ARALING PANLIPUNAN

Subdecks (6)

Cards (177)

  • 1. Haligi ng Empleyo - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa.
    • 1.      Haligi ng Karapatan ng Manggagawa Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
    • Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan Hikayatın ang mga kompanya, pamahalaan, at mga kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
    • Haligi ng Kasunduang Panlipunan Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit
  • ·         Ang   sektor   ng   serbisyo   ay   masasabing   may   pinakamalaking   bahagdan   ng manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon. Ang paglaki ng bahagdan o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino.
  • Kontraktuwalisasyon o "Endo"-Ipinagkakait sa manggagawa ang katayuang "regular employee" ng kompanya o kapitalista
  • Job-Mismatch
    ·         Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
  • Mura at Flexible Labor
    Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
  • Mababang Pasahod
    Ito ang mababang pagpapasahod ng mga kapitalista sa mga manggagawa ngunit gumugugol ng mahabang oras sa pagtatrabaho.
  • Unemployment
    ·         Ito  ay  nangyayari  kapag  ang  mga  tao  ay  walang  trabaho  ngunit  aktibong naghahanap ng trabaho.  Ito  ay  isang  kondisyon  kung  saan  ang  mga  manggagawa  ay  walang  makita  o mapasukang trabaho.
  • Underemployment
    ·         Ang isang manggagawa ay maaaring  isaalang-alang  na  walang  trabaho  kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
  • Batas ng Pangulo Blg. 442
    ·         Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa
  • Commonwealth Act Blg. 444
    ·         Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa
  • Batas Republika Blg. 1933
    ·         Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa
  • Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig
  • Ang paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, makidigma at manakop.
  • Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
  • Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
     
  • GLOBALISASYONG EKONOMIKO
    Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
  • Multinational at Transnational Companies
     
    Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang transnational companies (TNCs) ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay
    batay sa pangangailangang lokal
    • Offshoring-Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad
    • Nearshoring Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
  • Outsourcing ay ang pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
    • Onshoring Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
  • GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL
     Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
  • GLOBALISASYONG POLITIKAL
     
    Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal na maituturing na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
  • Guarded Globalization
     
    Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang mamumuhunan
  •  
    Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
     
    Ayon sa International FairTrade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang Sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa
    pagitan ng mga bumibili at nagbibili
  • Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
     
    Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion
  • Ang subcontracting scheme ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
  • Ang Labor-only Contracting - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya
  • Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor
  • 1.    Batas Republika Blg. 679 – Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave
  • Batas Republika Blg. 1052 – Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa
  • 1.    Batas Republika Blg. 1131 – Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang
  • 1.    Batas Republika Blg. 772 – Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho
  • Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Ang mga sanhi ng pag-alis o paglipat ay kalimitang nag-uugat sa ilang dahilan gayundin ang mga epekto nito.
  • Ang panloob na migrasyon (internal migration) ay ang migrasyon sa loob lamang ng bansa. Maaaring magmula ang tao sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang lugar.
  • Migrasyong panlabas (international migration) naman ang tawag kapag lumipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon
  • Migrante ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar