AP 15

Subdecks (2)

Cards (54)

  • Module 15 - Konteksto at Konsepto ng Pagkamamamayan
  • Citizenship - Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa kalagayan ng isang mamamayan sa isang estado kung saan siya bahagi.
  • Citizenship - Tumutukoy ito sa mga gampanin ng isang tao sa lipunan at mga tungkulin alinsunod sa umiiral na batas sa teritoryong nasasakupan ng isang estado.
  • Pagkamamamayan / Citizenship
  • Pagkamamamayan /Citizenship
  • Ligal na pananaw ng Pagkamamamayan

    • Ang konsepto ng Citizenship ay maiuugat sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang mga sinaunang Griyego ay;
    • Nagtatag ng mga lungsod na tinatawag na Polis.
  • Polis (Plural: Poleis)
  • Polis (Plural: Poleis)
  • Polis - isang istrukturang panlipunan na karaniwang nakatayo malapit sa baybaying-dagat (acropolis) at mayroong sentro na naliligiran ng mga pader.
  • Ligal na pananaw ng Pagkamamamayan
    • Ang konsepto ng Citizenship ay maiuugat sa kasaysayan ng daigdig kung saan ang mga sinaunang Griyego ay;
    • Nagtatag ng mga lungsod na tinatawag na Polis.
  • Mayroong pagitan sa mga mayayaman at mahihirap at ang bawat polis ay mayroong kani-kaniyang sistema ng pamamahala.
  • Ang mga Polis ay binubuo ng mga Citizens o mga mamamayan
  • Ayon kay Pericles, hindi lamang ang sarili ang iniisip ng mga citizens kundi maging ang kalagayan ng estado o polis.
  • Citizenship – Ito ay ang kalagayan at katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang estado na pinoprotektahan ng umiiral na batas.
  • Citizenship – Ito ay ang kalagayan at katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang estado na pinoprotektahan ng umiiral na batas.
  • Murray Clark Havens (1981) – “Ang Citizenship ay ang ugnayan ng indibidwal at estado. Tumutukoy ito sa pagiging miyembro ng indibidwal sa estado kung saan bilang isang citizen ay siya ay ginawaran ng karapatan at tungkulin.”
  • Acropolis – Ito ay karaniwang nasa gitna ng bawat polis na nasa mas mataas na lugar kumpara sa palibot na teritoryo.
  • Pericles – Siya ay ang impluwensyal na heneral, orador at pulitiko sa lungsod ng Athens, Greece. Siya ang namuno sa hukbong Griyego noong Digmaang Peloponnesian.
  • Pericles – Siya ay ang impluwensyal na heneral, orador, at pulitiko sa lungsod ng Athens, Greece. Siya ang namuno sa hukbong Griyego noong Digmaang Peloponnesian.
  • Ayon kay Thucydides, isang historyador, si Pericles ay maituturing na kauna-unahang “citizen” ng Athens.
  • Ayon kay Thucydides, isang historyador, si Pericles ay maituturing na kauna-unahang “citizen” ng Athens.
  • Sa mga polis ay mayroong kaukulang karapatan ang mga kalalakihan ayon sa laki, dami o halaga ng kanilang ari-arian.
  • Mga Salik ng Pagkamamamayan
    • Jus Matrimonii (Right of Marriage)
    • Jus Soli (Right of Soil)
    • Jus Sanguinis (Right of Blood)
  • Jus Sanguinis - Salik ng pagkamamamayan kung saan ang pagkamamamayan ay hindi nasusukat sa lugar ng kapanganakan ngunit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa o parehong mga magulang na mamamayan ng estado. (Right of Blood)
  • Jus Soli - Ang pagkamamamayan ay tinutukoy ng lugar kung saan ipinanganak ang isang tao. (Right of Soil)
  • Jus Matrimonii - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay tinutukoy
    ng pagkamamamayan ng kaniyang pakakasalan. (Right of Marriage)
  • Iba’t ibang gawaing Pansibiko
    • Suffrage (Pakikilahok sa Eleksiyon o Halalan)
    • Gawaing Sibil o Paglahok sa Civil Society at Boses Pampolitika
  • Suffrage / Pakikilahok sa Eleksiyon o Halalan
  • Suffrage / Pakikilahok sa Eleksiyon o Halalan
  • Suffrage (Pakikilahok sa Eleksiyon o Halalan)
    • Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas.
  • Gawaing Sibil o Paglahok sa Civil Society at Boses Pampolitika

    Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito para sa isang malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasiya ay ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan. Kaya naman napakahalagang makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil society
  • Civil Society - binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s Organizations.
  • Civil Society - binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations / People’s Organizations.
  • Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberanya ng isang estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.
  • Mga Epekto ng Pakikilahok sa Gawaing Pansibiko

    b.)Epekto sa politika
    • Magkakaroon ng malinis at matiwasay na takbo ng pamahalaan kung ang mga tao ay may consensus o pagkakasundo at support system sa bawat isa. Napagttibay nito ang demokrasya sa pamamagitan ng pagsangkot ng sarili sa mga gawaing pampamayanan. Mahalaga rin ito sa paghahanap ng mga kaangkupang solusyon sa mga suliranin sa bansa.
  • Mga Epekto ng Pakikilahok sa Gawaing Pansibiko
    c.) Epekto sa Lipunan
    • Dahil sa pagkakaroon ng consensus ay magiging maganda at mapayapa ang relasyon ng mga miyembro ng lipunan sa bawat isa. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at kapwa napapanatili ang pagkakaroon ng social harmony o matiwasay na pamumuhay. Dahil dito, nagiging konektado ang bawat tao.
  • Mga Epekto ng Pakikilahok sa Gawaing Pansibiko
    a.) Epekto sa kabuhayan
    • Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at pagiging mulat sa mga kaganapan sa kapaligiran at ekonomiya.