Kabanata 1 Panitikan

Subdecks (6)

Cards (63)

  • Maaaring mauri ang panitikan bilang Pasalin-dila o kaya’y Pasulat. Ito ay Pasalin-dila kung naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao o pagkukuwento. Samatalang naging Pasulat ang paraan ng pagsasalin ng panitikan sa ibang henerasyon magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.
  • Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
  • Kuwentong bayan - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
  • Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ilan sa mga halimbawa ay ang Bidasari – (Moro); Biag ni Lam- ang (Iloko); Maragtas (Bisaya) Haraya (Bisaya); Lagda (Bisaya); Kumintang (Tagalog); at Hari sa Bukid (Bisaya)
  • Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin gaya ng Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.
  • Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
  • Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
  • Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.